pasko na naman, o kay tulin ng araw
paskong nag-daan, tila ba, o kailan lang
tama po ang mga katagang ito mula sa isang 'classic' na pamaskong awitin.
parang kailan lang, at ito pasko na naman. maraming tao ang masaya dahil sa
handaan
kainan
regalo
bakasyon
at kung anu-ano pa.
para sa iba, ito ang panahon ng selebrasyon,
ng pag-kakaisa,
ng pahinga,
ng pag-babalik loob sa Diyos
ng pag-bibibagayan at pag-tanggap
at iba pa.
para sa iba, ito ang panahon para makatanggap ng pag-papala
ika-labingtatlong buwang sweldo
bunos
at iba pa.
ang tanong,
"ano ang bibilhin ko ngayong pasko?"
bibilhin ko ba ang matagal ko ng pangarap
na damit?
na pantalon?
na laruan?
na pagkain?
na bahay?
na kotse?
ano ang bibilhin ko?
ano nga ba?
may ibang tao na habang wala pang pera maraming gustong bilhin, pero pag may hawak ng pera ayaw namang gastusin.
may ibang tao na nangungutang pa para makabili ng gustong bilhin, at pag may pera na ayaw namang magbayad.
may ibang tao na laging may pera (kahit hindi pasko) pero ayaw pa ring gumastos.
ang pasko para sa iba ay araw na maraming gastusin. bibili ka
ng pagkain sa handaan
ng regalo sa magulang
ng regalo sa kamag-anak
ng regalo sa mga anak
ng regalo sa mga inaanak
ng regalo sa sarili
sa panahong ganito na para bang ang hirap na hindi gumastos. lagi po nating isipin ang dahilan kung bakit tayo gagastos.
bilhin natin ang mga bagay
na magbibigay sa atin ng kagalakan
na magbibigay sa atin ng kaligayahan
na magbibigay sa atin ng kaugaliang mapagbigay
huwag tayong bumili para tayo lang ang magkaroon
bumili tayo para magkaroon ang iba.
sa ating pamimili ngayong kapaskuhan, isipin natin kung ano ang gusto natin at kung ano ang gusto ng iba.
1Cor 10.23; Ecc 5.18-20
Monday, December 7, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)