Thursday, September 24, 2009

blessed ako noong birthday ko

mahirap mang tanggapin
pero ang pagtanda ay di maiiwasan
basta ang importante, sabi ng magulang ko
meron kang pinagtandaan
ibig sabihin
habang tayo ay nagkaka-edad
o habang nadadagdagan ang ating edad
dapat nadagdagan ang ating kaalaman
maraming tao ang tumanda
pero walang matandaan
o walang nadagdag sa kaalaman
nag-aalam alaman lang
ako?
dami kong natutunan sa lumipas na tatlumpu't apat
na pamamalagi ko dito sa mundong ibabaw
simula pa nang ako'y nagkamalay
ang dami kong natutunan galing sa aking mga magulang
lalo na't sila'y mga guro
sa aking mga kapatid
at dahil ako ang bunso
sagana ako sa aral at pangaral
aral at pangaral na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin
na hanggang ngayon ay pinamumuhay ko pa rin
na hanggang ngayon ay gamit ko pa rin sa aking pakikipag kapwa tao
na hanggang ngayon ay di ko nalilimutan
at di malilimutan

ang laki ng pasasalamat ko sa Diyos
na Siyang naglikha sa akin
pinagkalooban niya ako ng pamilyang perpekto
o, wag kayong kokontra, pamilya ko to eh.
sige na nga, may kakulangan din
pero hindi naging pabigat sa saloobin ko
bagkus naging inspirasyon pa nga
tatay ko, nanay ko, mga titser dati na hanggang ngayon sa tuwing kami ay nagkikita patuloy ang pagtuturo
panganay, modelo ko sa pagpapalaki ng mga anak
kaya homeschooling din si Champ
kuya ko, magaling na manager
pangarap ko rin yun
ate kong nasa tate, masipag at masayahin
generous pa

pinagkalooban din Niya ako ng pamilya ko ngayon
asawa ko na sobrang magmahal
wag ninyo akong salingin kung ayaw mong makatikim ng round house kick
maaalahanin
masayahin
masipag
matalino
at marami pang iba
si Champ
masayahin
matalino
makwento (5 oras tuloy-tuloy yun)
maraming tanong
at marami pang iba

blessed ako sa bday ko
dahil meron ako nito
mga taong mahal ako
at mahal ko

... to be cont...
ako si pastor G.
bakit?
kasi pangalan ko ay Glenn.
kaya G for short.
noong bata pa ako, inggit ako sa mga classmates kong merong palayaw.
may palayaw sila dahil mahaba ang kanilang pangalan, kaya pinaikli ng magulang.
halimbawa
Jose Celso Cesar Rey aka Popot
Alfredo aka Fred
Antonio aka Tony
John Alvin aka Bude
Paul Andrew aka Disney
Jonel aka One
Alexandra aka alex
Joshua aka Wawa
at marami pang iba.
ung iba, bagay
ung iba, hindi naman
pero sabi ko sa sarili ko
"Paglaki ko, magkakapalayaw din ako."
naisip ko yun, mga 4'8" lang ang height ko
ngayong 5'9" na ang height ko natupad din yun.
pastor, dahil pastor ako.
yung iba, KG
or Kuya G
para maiksi
KG
seriously speaking,
teka actually serious naman talaga ako
ganun pa man
i like it when people called me pastorG
teka, englis un ah.
pastorG ay simple
madaling bigkasin
madaling tandaan
madaling isulat
madali lang
di ko after ang magagandang pangalan
before lang
sabi nga ng iba,
pangalan lang yan
pero wag ka
dahil sa pangalan makikilala ka
dahil sa pangalan may mangyayari
o pangyayari
maging sa Diyos
ang pangalan ay importante
kaya ako
iingatan ko ang pangalan ko
tawagin man ninyo akong Glenn
o G
ako pa rin yun
basta ang mahalaga tawagin ninyo ako
para lumingon ako at mapansin ko kayo

...to be continued...