mahirap mang tanggapin
pero ang pagtanda ay di maiiwasan
basta ang importante, sabi ng magulang ko
meron kang pinagtandaan
ibig sabihin
habang tayo ay nagkaka-edad
o habang nadadagdagan ang ating edad
dapat nadagdagan ang ating kaalaman
maraming tao ang tumanda
pero walang matandaan
o walang nadagdag sa kaalaman
nag-aalam alaman lang
ako?
dami kong natutunan sa lumipas na tatlumpu't apat
na pamamalagi ko dito sa mundong ibabaw
simula pa nang ako'y nagkamalay
ang dami kong natutunan galing sa aking mga magulang
lalo na't sila'y mga guro
sa aking mga kapatid
at dahil ako ang bunso
sagana ako sa aral at pangaral
aral at pangaral na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin
na hanggang ngayon ay pinamumuhay ko pa rin
na hanggang ngayon ay gamit ko pa rin sa aking pakikipag kapwa tao
na hanggang ngayon ay di ko nalilimutan
at di malilimutan
ang laki ng pasasalamat ko sa Diyos
na Siyang naglikha sa akin
pinagkalooban niya ako ng pamilyang perpekto
o, wag kayong kokontra, pamilya ko to eh.
sige na nga, may kakulangan din
pero hindi naging pabigat sa saloobin ko
bagkus naging inspirasyon pa nga
tatay ko, nanay ko, mga titser dati na hanggang ngayon sa tuwing kami ay nagkikita patuloy ang pagtuturo
panganay, modelo ko sa pagpapalaki ng mga anak
kaya homeschooling din si Champ
kuya ko, magaling na manager
pangarap ko rin yun
ate kong nasa tate, masipag at masayahin
generous pa
pinagkalooban din Niya ako ng pamilya ko ngayon
asawa ko na sobrang magmahal
wag ninyo akong salingin kung ayaw mong makatikim ng round house kick
maaalahanin
masayahin
masipag
matalino
at marami pang iba
si Champ
masayahin
matalino
makwento (5 oras tuloy-tuloy yun)
maraming tanong
at marami pang iba
blessed ako sa bday ko
dahil meron ako nito
mga taong mahal ako
at mahal ko
... to be cont...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment